THE WORLD OF DAVID GE!!
A learner willing to learn more

Ang Kailangan Mo Ay Isang Magaling Na Opisyal

Naisip mo ba na parang mahirap at walang gana ang pag-aaral? Kung minsan naman, sobrang ingay ang klase na hindi mo na maririnig ang guro? Naiisip mo na ba na ang kailangan mo ay isang tagatulong sa iyo?

Kailangan mo na isang magaling na opisyal. Ito ang kailangan mo upang kumpletuhin ang saya at magandang karanasan ng pag-aaral. Iboto mo ako at ang kagandahan ng pag-aaral ay madidiskubre mo. Mabait ako at matulungin. Kung nahihirapan ka, lumapit ka lang at ang hirap ay mawawala. Marunong din ako makipaghalubilu sa ibang tao hindi lang sa ating klase kundi sa ibang mga mag-aaral upang lalong tumindi ang kaisahan ng ating paaralan. Matiyaga rin ako. Gaano man kahirap ang ating mga takdang arlain, basta lang para sa kabutihan ng klase, gagawin ko ito. Kailangan mo rin ang isang matalino lider na marunong magdesisyon ng mabilis at tama. Kahit hindi ako ang pinakamatilino sa paaralan, masabi ko na nakatanggap ako ng gintong medalya sa aking pagtatapos ng elementarya. Kaya kong matukoy ang mga problema ng klase at mabigyan ng solusyon sa abot ng aking makakaya. Masasabi ko rin na kahit pasaway ako minsan minsan, sumusunod ako sa mga utos ng guro. Hindi rin ako plastik na gumagawa lang ng mga takda tuwing nariyan ang guro.

Ang isang opisyal ay nagkakaroon ng malaking responsibilidad. Kahit wala ang guro, kailangan ng klase ang isang lider na makakatulong sa mga problema ng klase. Mahirap man ito, kailangan gawin ang mga takda ng tama. Iboto ninyo ako at ang opisyal na kailangan mo ay laging naririto!

Isinulat noong Agosto 8, 2009 (freshman year)

Advertisements

No Responses to “Ang Kailangan Mo Ay Isang Magaling Na Opisyal”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: